UGH. :(
Nung bata ako, twing nanunuod ako ng movies or teledrama, isa lang nasa isip ko “bakit ba ginagawang komplikado ng mga tao buhay nila? Hindi ba pwedeng magmahalan na lang sila, magpakasal at gumawa ng mga anak?”
Ngayong 19 na ko, nagkaron ng ex at may boyfriend. Alam ko ng hindi nga ganon kadali ang lahat. Naiintindihan ko na kung bakit may mga relasyong hindi ganun kadali ayusin. Yung tipong kahit mahal na mahal nyo yung isa’t-isa may instances na di padin para sa inyo yung “FOREVER”. Yung kahit anong pilit or kahit gano mo ipaglaban, hindi talaga e. sabe nga nila, “if its meant to be, it will be” so tama nga bang ipaglaban pa?
Gusto ko syang ipaglaban, mahal ko e. ayoko magpaapekto sa sinasabe ng iba. Gusto ko patunayan sa kanila na di sya katulad ng iniisip nila at kaya naming panindigan to. Pero pano kung yung “kami” na yung kalaban namin? Masyado ko ba sya natetake for granted? Naaapreciate ko lahat ng ginagawa nya at tinatry ko naman din gawin lahat e. Magfail man ako sa ibang bagay na napagusapan namin, pinipilit ko naman makabawi sa ibang bagay mapatunayan ko lang na mahal ko sya. Lalo na yung oras ko, hanggat mabibigay ko, binibigay ko sa kanya. Mas madalas ko syang makasama at halos di ko na nga nakakasama mga kaibigan ko e. pagwalang class sya agad tinetext/ tinatawagan ko, pag walang gagawin bago pumasok at pagpwede—30 mins lang naman bahay nila from my house eh. Kahit nga pagdi kami magkasama e non-stop text or tawag. Lumalabas na ko ng bahay ngayon na di ko talaga ginagawa dati (except lang pagaalis syempre) para lang magpaload. Di pa ba sapat yon?—-HINDI.
Tinanong ko sya kagabe na kung alam naman naming walang patutunguhan, bakit pinapatagal pa? Eto sagot nya “umaasa tayo ng forever with every person na makakarelasyon natin”. Tama nga naman, andun padin yung PAGASA. Yung bagay na masasabi mong “siguro kung gumive up nanay ko sa tatay ko, di siguro ganito kasaya pamilya namin. Na baka tulad nila, kaya pa naming ayusin to”
Kaya nya ba talaga ko iwan dahil lang sa bagay na di ko din naman ginusto? Di nya ba naisip na mas kylangan ko sya pagngyare yung bahay na yun?
Sa ngayon kame pa naman. Di nya lang ako kinakausap—baka kylangan nya lang ng alone time. Kaya naman namin to no?—ewan. Sana. haaay pagasa, jan ka alng ha? Pero yun nga ang hirap din kasi umasa sa wala kasi.
Ugggh!! bat ba kasi pinapakomplikado pa ng todo ang lahat? Di ba pwedeng magmahalan na lang?!
———-EMO MODE. FCUK.